New York police officer, nabaril at napatay ng sarili niyang armas!

2015-04-14 0

New York police officer, nabaril at napatay ng sarili niyang armas!


Pulis sa New York, natamaan ng sariling baril.

Isang labingwalong taong beterano ng police department sa upstate New York ang nabaril at namatay, dahil sa sarili niyang baril noong Lunes.

Ang 43-year-old na si James Clark ay nanggulo, March 31 ng umaga -- hinatak niya ang isa niyang katrabaho, at nagsimula siyang magsisigaw.

Tatlong minuto matapos niyang matanggap ang tawag tungkol sa disturbance, dumating si officer David Smith sa eksena.

Pero bago pa siya makababa mula sa kanyang sasakyan, tumakbo sa kotse ang suspect at pinasok ang kanyang kamay sa bukas na bintana.

Nagkaroon ng struggle, at nagawa ng suspect na kunun ang baril ng pulis. Dalawang beses siyang nagpaputol, at namatay si Smith.

Dumating ang mga backup officers, pero patulot na nagbabaril ang suspect, na naubos ang 15 rounds sa 40 caliber ni Officer Smith.

Natapos lang ang insidente nang isa pang officer ang bumaril sa suspect, na namatay sa ospital.

Hindi masabi ng mga awtoridad kung bakit ang suspect na si James Clark at naging bayolente, pero maaring ito ay isang psychotic break.

Si Officer Smith ay ang kauna-unahang Johnson City police officer na napatay sa line of duty, mula pa noong 1920s. Naiwan niya ang kanyang asawa't anak.



For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH