Chinese delivery man, na-ambush at napatay sa Staten Island!

2015-04-14 15

Chinese delivery man, na-ambush at napatay sa Staten Island!



Chinese delivery man, pinatay sa Staten Island!

Isnag 50-year-old na delivery man ang na-ambush at nabaril, execution-style, nang nagdala ito ng pagkain sa isang dead-end na kalsada, sa lugar na kilala sa pagiging delikado -- sa Mariner's Harbor, Staten Island, noong Martes.

Si Richard Salvia ay kumuha ng order para sa sweet and sour chicken, mula sa Grand Palace restaurant, sa Forest Avenue, na pinapadala sa 244 Grandview Avenue.

Ayon sa pulis, pagdating niya sa address, ay may isang taong lumapit sa kanya, habang pababa siya ng kanyang sasakyan...at binaril siya sa ulo.

Natagpuan ng isang residente ang katawan ni Salvia, na may 136 USD in cash sa loob ng kanyang mga bulsa. Iniimbestigahan ng pulis kung si Salvia ay may wallet, at kung nanakaw ito.

Ayon sa mga nakatira sa lugar na iyon, ang mga delivery drivers ay madalas na itawag mula sa Grandview Avenue, na isang dead-end, para hold-up-in. Naghahanap ngayon ng tatlong suspects ang pulis.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Free Traffic Exchange