Teacher, nawalan ng trabaho, dahil ayaw niyang maka-threesome ang kanyang boss!

2015-04-14 1

Gym teacher, nawalan ng trabaho, dahil ayaw niyang maka-threesome ang kanyang boss!

Isang New York high school gym teacher ang nagdemanda matapos siyang mawalan ng trabaho, dahil hindi siya pumayag na maka-threesome ang kanyang boss, at boyfriend ng kanyang boss!

Ang probationary gym teacher na si Carissa Gaylardo ay naniniwala na nagalit sa kanya ang kanyang supervisor na si Sofia Memos, isang tenured gym teacher sa Riverdale/Kingsbridge Academy sa Bronx.

Ayon kay Carissa, mayroon siyang mga text messages na magpapatunay na tutoo ang kanyang kuwento. Hindi siya pumayag sa threesome na inaalok ni Sofia, na ayon kay Carissa ay inalok pa siya nang personal, na makipag-sex sa kanila ng kanyang boyfriend.

Pagkatapos, ay sinimulan ni Sofia ang isang imbestigasyon sa relasyon ni Carissa at ng isang estudyante, na madalas niyang maka-text. Pero ayon kay Carissa, ang threesome ang tunay na dahilan ng pagkawala niya ng trabaho. Nag-file na ng affidavit ang babaeng estudyante, at ang ina nito, na sumusuporta kay Carissa, at sinabi nilang walang malisya ang relasyon ni Carissa sa estudyante.



For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH