Bagong execution style sa North Korea: death by flamethrower!

2015-04-14 3

Bagong execution style sa North Korea: death by flamethrower!


Death by Flamethrower -- bagong uso sa mga execution sa North Korea!

Alam na nating lahat na ang North Korean leader na si Kim Jong-Un ay isang napakagaling na tao.

Ang Dear Leader, gaya ng kanyang ama, ay maraming talento.

At maraming importanteng kaibigan, gaya ng US celebrity na si Dennis Rodman!

Kahit na never siyang nag-serve sa military, ay ginawa siyang general, at tinawag pang "brilliant and creative" ng ibang mga generals...lalo na pagdating sa mga executions.

Matagal nang uso sa North Korea ang mga firing squads,
Pero laos na raw ang mga bala.

Ayon sa mga reports, ang pinakabagong pauso ni Kim sa pagpatay sa kanyang mga kaaway, ay ang execution by flamethrower -- na kanyang inutos para sa enemy of the state na si O Sang-Hon.

Ang death by flamethrower ang pangalawang pinaka-inventive na North Korean execution method. Ang nangunguna ay ang pagpatay sa isang army vice-minister, sa pamamagitan ng mortar round noong 2012.

Pinatay pa nga ni Kim ang isang ex-girlfriend, dahil lumabag ito sa anti-pornography laws. Siya raw ay binaril diumano ng firing squad, pero last summer pa iyon, nang uso pa ang firing squad.

May limitasyon kaya ang creativity ni Kim pagdating sa mga executions? Pwede kayang isagawa ang death by kimchi overdose? Isabit kaya ang papatayin sa isang Nodong missile test-fire?

Mula nang mawala sa eksena ang tito ni Kim na si Jang Song-Tek, wala nang nakakaalam kung ano nga ba talaga ang nangyayari sa pamumuno ni Kim.

Baliw kaya ito? O gusto lang niyang isipin natin na siya ay baliw? Hmmm. Baliw na iyan!



For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH