VIDEO: Chinese tourists, nagwala at nanggulo sa isang hotel sa Hong Kong!
Turista mula sa Mainland China, nagwala sa hotel sa Hong Kong!
Isang grupo ng mahigit dalawang dosenang turista mula sa Mainland China ang nagkagulo sa loob ng isang hotel, sa Tsim Sha Tsui, Hong Kong, noong Linggo.
Dumating ang pulis para awatin ang agresibong Chinese tourists, na inaaway ang staff ng hotel. Nakiusap ang mga pulis na huwag silang hawakan at sigawan ng mga turista, samantalang patuloy sa pagsisigaw ang mga ito.
Ang kanilang reklamo: ayaw nila tumira sa hotel, dahil inassign daw sa limang tao ang iisang kuwarto.
Bago dumating sa Hong Kong, ang grupo ng dalawampu't siyam na turista, na galing sa Fujian province, ay nag-book ng pitong kuwarto para sa dalawampu't apat na tao, nang isang gabi. Pero ang credit card na kanilang ginamit para bayarang ang halagang 1,000 US dollars, ay expired, kaya ito ay na-decline.
At kahit alam nilang wala silang reservation, nagpatuloy pa rin ang mga turista sa hotel, at naglabas ng sama ng loob sa staff, na walang kinalaman sa kanilang palpak na online booking.
Ang napatining, napakaingay, at napakalakas na pagreklamo ng mga Chinese tourists ay siguradong halos mabingi ang kawawang hotel managers, na pumayag na bigyan ang mga turista ng apat na kuwarto, kahit na walang reservation, sa halagang 950 US dollars.
Ito ang breakdown:
Isang family room, na may pitong kama, para sa labing-apat na tao;
Dalawang kuwarto na may dalawnag double beds, para sa isang dosenang tao, kung saan apat na tao ang matutulog sa sahig;
At isang kuwarto para sa tatlong tao.
At imbes na asikasuhin ang kanilang nagkagulo-gulong accommodations, ang ginawa ng mga Chinese tourists pagkatapos nilang mag-check-in, ay dumiretso sa Disneyland.
Pagbalik nila sa hotel, alas siyete ng gabi, nagsimula silang manggulo. Nagreklamo sila na ang mga lalaki at babae sa kanilang tour group ay ipinagsama-sama ng hotel sa iisang kuwarto, ayaw nila ng mga bunk beds, at ayaw nilang matulog sa sahig.
Ayon sa mga turista, kung walang kuwarto ang hotel ay hindi nito dapat kinuha ang kanilang pera. Nagsisigaw sila ng "Refund! Refund! Ibalik an gaming pera!" Samantalang inaawat at pinatatahimik sila ng mga pulis.
Sabi ng pulis sa mga turista, pwede nilang idemanda ang hotel; pero walang awtoridad ang pulis na magbigay ng refund sa kanila.
Isa sa mga turista ang nagsabing lumabag na lang sila sa batas, at maari silang makitulog nang libre sa police station. Ang galing, diba?
Ang pagreklamo ng mga turista ay nagtagal nang pitong oras, at natapos lang ng alas dos ng madaling araw, matapos pumayag ang hotel na bayaran ang katabi nilang hotel, kung saan maaring tumuloy ang mga turista. Kapagod!
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH