Off-duty officer, binaril nang 6 na beses ang isang lalaki; hindi makakasuhan!
Isang lalaki, nabaril nang anim na beses ng nakaaway niyang off-duty police officer!
Ang off-duty police officer na binaril nang anim na beses ang isang lalaki, sa isang Memphis bar, ay hindi makakasuhan!
Gusto ngayong malaman ng nasaktan na lalaki kung bakit hindi makakasuhan ang off-duty Mississippi deputy na ito.
Ang construction worker na si Mark Martinez ay kalilipat lang sa Memphis para sa trabaho, at isang gabi ay naglasing ito.
Hindi daw ito naaalala ni Martinez, pero ayon sa isang babae, hinipuan daw siya ni Martinez, at malamang ay ito ang nagsimula sa nagkagulong away sa loob ng bar, na kinasangkutan ng off-duty deputy na si John Logan.
Lumaki ang away; nakisala na rin pati ang isang homeless na lalaki; at binaril ni Logan si Martinez.
Ayon sa mga saksi, si Logan ay binugbog at nahulog sa sahig. Binaril niya si Martinez, na natamaan sa paa, likod, at braso.
Nagising na lang si Martinez, ilang oras matapos ang away, sa ospital. Natagpuan ng pulis ang isang baril at kutsilyo sa katawan ni Logan.
Ayon kay Martinez, never siyang nakipag-away sa mga tao, at gustong malaman ng kanyang pamilya kung bakit tinuturing na self-defense ang pambabaril ni Logan nang anim na beses. Ipinagtatanggol ng mga pulis si Logan, na sumali lamang sa police force noong Disyembre. Siya ay nailagay sa paid leave at hindi pa nakakasuhan ng kahit na anong krimen. Ang dahilan? Dahil hindi malinaw kung sino at paano nagsimula ng gulo.
Ayon sa ina ni Martinez, wala raw ginagawa ang mga awtoridad dahil pulis ang nakaaway nito, at sila ay Hispanic.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH