Lalaki, namatay matapos ma-taser ng pulis sa Phoenix (UPDATE)
May bagong video na lumabas, tungkol sa lalaking namatay nang siya ay na-taser ng pulis, sa isang restaurant, itong linggo.
Nag binalita namin sa inyo ang insidenteng ito, nasa kampo kami ng biktima, dahil mukha siyang isang mentally challenged na lalaki, na pinagtulungan ng mga pulis at tinaser hanggang sa siya ay mamatay.
Buti na lang, at lumabas ang isang video na kinuha ng isang employado ng restaurant, at maari nating makumpirma ang detalye ng insidente.
Habang maraming ginawang kakaiba ang lalaki, gaya ng pagbukas ng lahat ng gripo, at paghamon sa cook ng restaurant gamit ang isang 'caution' sign...
Hindi pala siya mentally unstable na taong nangangailangan ng tulong.
Ang 38-year-old na si Edward Michael Caruth...ay gusto lang manggulo.
Sa isang punto, ay napahiga siya ng mga pulis sa sahig, at mukha namang handa na siyang makipag-koopera sa mga pulis...
Pero bigla siyang lumaban ulit, at masasabi naming ang mga pulis ay nanatiling propesyonal sa kanilang pagkilos, sa ganitong klaseng sitwasyon.
Nagpakita sila ng pasensiya -- hindi pa nga nila nase-search ang lalaki. At maaring nasa kanilang karapatan ang barilin ang suspect.
Pero nakakalungkot pa rin na namayat si Caruth, matapos siyang dalhin sa ospital.
Ayon sa pulis, naghihinala silang gumamit ng prescription o ilegal na droga ang suspect -- kaya siya nagkaroon ng kakaibang pag-ugali at pagkilos.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH