Peoria Mayor Jim Ardis, napikon at pinahanap sa pulis ang gumawa ng pekeng Twitter account!
Limang tao, ininterrogate para sa pekeng Twitter account!
Maraming parody Twitter accounts ang nagkalat sa Internet -- mula sa Queen of England sa UK, hanggang sa dating presidente ng Amerika na si Bill Clinton. Pati sina Jesus Christ at si Lord Voldemort!
Pero ang mayor ng Peoria, Illinois, na si Jim Ardis, ay hindi natawa nang siya ay naging punchline ng biro sa social media.
Ang Twitter account na @Peoriamayor ay ilang linggo nang nasuspinde. Pero desidido pa rin ang mga opisyales sa Peoria na malaman kung sino ang responsable sa pekeng account na ito.
Pitong police officers na nakasuot ng normal na damit ang nag-execute ng search warrant sa 1220 North University street, Martes ng gabi.
Si Michelle Pratt ay naliligo nang kinatok ng pulis ang kanyang pinto.
Kinumpiska ng pulis ang mga cell phones at computers mula sa bahay, at dinala ang tatlong residente sa police station para sila ay ma-interrogate.
Isa sa mga residente, si Jacob Elliott, ay kinasuhan ng drug possession, nang nakahanap ng marijuana sa kanyang mga kagamitan ang pulis.
Hinanap ng pulis ang dalawa pang pinagsususpetyahang impersonators, sa kanilang trabaho, at sila rin ay na-interrogate.
Ayon kay Michelle Pratt, itinuring siyang kriminal ng mga pulis, at iisa lang ang nais nilang malaman -- kung alam niya ang tingkol sa pekeng Twitter account.
Ang account na ito ay may limampung tweets at limampung followers lamang, bago ito naisara.
Kapag sila ay nakasuhan, maaring humarap ang mga impersonators ng isang taong pagkabilanggo, para sa false impersonation of a public official.
Walang ibinigay na comment si Mayor Jim Ardis tungkol dito.
Kayo na ang bahalang magsulat ng mga jokes, at huwag kalimutan ang hashtag na 'justjoking.'
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH