Bryan Singer child molestation case, may 3 pang dinagdag na Hollywood heavyweights!
Noong isang linggo, ang 31-year-old na dating child actor na si Michael Egan III ay nag-file ng civil suit laban sa X-Men director na si Bryan Singer.
Inakusahan ni Egan si Singer ng sexual assault noong 1990s, noong si Egan ay 15 hanggang 17 years old.
Ngayon, si Egan at ang kanyang abugado na si Jeff Herman, ay nag-file ng child molestation lawsuits, laban sa tatlo pang Hollywood heavyweights:
Sina Garth Ancier, David Neuman, at Gary Goddard.
Nong si Egan ay 15 years old, lumipat siya sa M&C Estate sa Encino, California, para sundan ang kanyang pangarap na mag-acting.
Pero nang nakarating siya sa estate, siya ay nabiktima ng underage sex ring na gawa ng convicted pedophile na si Marc Collins-Rector.
Ayon kay Egan, siya ay naabuso ng mga miyembro ng sex ring, na sina Bryan Singer, Garth Ancier, David Neuman, at Gary Goddard.
Lahat ng mga lalaki ay inabuso diumano si Egan noong 1999, nang inilipad ni Collins-Rector si Egan sa Pual Mitchelle Estate sa Kailua, Hawaii. Ayon kay Egan, at binigyan siya ng alak at droga ni Collins-Rector...at inutusan siyang makipag-sex sa mga mayayaman at makapangyarihang lalaki na kabilang sa sex ring.
Naiyak ang ina ni Egan nang ikinuwento niya kung paano niya tinulak ang FBI na i-prosecute ang mga krimen na ito, noon pag 2000, pero hindi siya nagtagumpay.
Samantala, ang mga abugado para sa bawat naakusahang Hollywood heavyweights ay sinabing ang mga akusasyon ni Egan ay false at libelous.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH