Philadelphia police, binaril ang isang pizza delivery man sa ulo!
Pulis na hindi naka-uniform sa Philadelphia, binaril ang isang unarmed na pizza delivery man!
Isang pizza delivery man, na ginagawa lang ang kanyang trabaho, ang nabaril sa ulo, ng mga pulis na hindi naka-uniform, noong April 22. Walang dalang armas ang biktima, na hindi rin lumabag sa kahit na anong batas.
Alas diyes ng gabi, dalawang police officers sa gun crime unit sa Kingsessing area ang nakarinig ng pagpapaputok ng baril.
Ang 20-year-old na si Philippe Holland ay kaka-deliver lang ng burger at soft drink, ang kanyang last delivery para sa araw na iyon.
Dumating ang pulis, na hindi naka-uniform, sa 51st & Willows Avenue, at nakita nila si Holland, nan aka-hoodie. Ayon sa pulis, nagpakilala sila bilang officers kay Holland.
Ayon sa police commissioner, naniniwala ang police department na hindi naniwala sa pulis si Holland, at inakalang siya ay mananakawan.
Sumakay si Holland sa kanyang kotse, ay nag-reverse.
Walang nakasaksi, pero sabi ng mga pulis, dumiretso si Holland sa kanila, at pareho silang nag-open fire sa kotse. Natamaan si Holland sa hita, braso, at ulo.
May labing-apat na baling tumama sa kotse ni Holland. Siya ngayon ay nasa kritikal pero stable na kondisyon sa ospital, at hindi nalalaman kung maliligtas ba ito. Natanggal na sa street duty ang mga pulis na bumaril sa kanya.
Delikado pala ang maging delivery man! Mag-ingat po!
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH