Fugitive na may 'mobile dungeon,' nabaril at napatay ng pulis!
Hinahanap ng pulis sa Portland ang lalaking ito, na si Kelly Swoboda, isang career criminal, na wanted para sa pag-kidnap sa isang babae mula sa isang tanning salon noong Enero. Inasult niya ito, at tinali ng duct tape sa isang purple minivan.
Nakatakas ang babae, pero seyosong nasaktan nang tumalon siya mula sa umaandar na sasakyan. Nakuha niya ang license plate number at binigay ito sa pulis.
Ang criminal history ni Kelly Swoboda ay nagsimula noon pang 1994, sa mga kasong bank robbery at illegal gun possession.
Bago siya nangidnap, siya ay suspect sa dalawang bank robberies na nangyari noong 2013.
Noong Marso, may 'suspicious man' na nai-report malapit sa Wilson High School, pero hindi ito nakilala ng pulis, at muling nakatakas si Swoboda.
Hindi nag-match ang license plate ng likod van sa police records, pero nadiskubre din nila na ka-match ang license plate sa harap.
Nagpunta sa nalalapit na library ang pulis para hanapin si Swoboda, na sinabing doon siya pupunta.
Si Officer Romero ay binabantayan ang van.
Nakita ni Romero si Swoboda sa nalalapit na kalsada, at hinabol ang suspect, na hindi huminto nang sinabihan siya ng pulis.
Humugot ng 45 caliber si Swoboda, at binaril ang officer sa braso. Binaril ni Romero si Swoboda sa dibdib, na ikinamatay ng suspect.
Nagulat ang mga pulis sa kanilang mga natagpuan pagkatapos.
Ang van ni Swoboda ay isa palang 'moveable dungeon,' o umaandar na kulungan, na may mga tanikala, tali, at zip ties; mga teenage porn DVDs, at mga surveillance notes na sulat-kamay, tungkol sa dalawampung babae.
Nakumpirma ng pulis na ang mga potential victims ni Swoboda ay hindi pa niya nalalapitan o nasasaktan.
Ayon sa ina ni Swoboda, ang kanyang 'baby son' ay hindi animal.
Tama, Mrs. Swoboda, Hindi siya animal. Isa siyang halimaw.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH