Transgender teenager, kinidnap ang isang babae para sa kanyang 'virtual kingdom!'
Isang transgender teenager, in-abduct ang isang batang babae, para isama sa kanyang 'virtual kingdom.'
Pagkatapos nilang magkakilala sa Internet, ang transgender teen na si Chang, ay kinidnap ang isang 15-year-old na babae noong isang linggo.
Ang babae na si Lee, ay nakipag-away sa kanyang ina, at naghanap ng malalabasan ng sama ng loob sa isang Facebook group na tinatawag na, "Sound and Mirror kingdom." Si Chang, na commander ng virtual kingdom na ito, ay inimbita ang middle schooler na sumali sa kingdom, para madiskubre niya ang kanyang 'true self.'
Naglayas si Lee noong Martes. Naghanap ng clues ang kanyang ina at kapatid sa kanyang computer. Inakala nilang si Lee ay na-kidnap, at inireport nila ang pagkawala ng bata sa pulis.
Limang araw ang nakalipas bago nahanap ng pulis si Chang at Lee. Sinabi ni Chang sa pulis na nasa bahay sila ng isang kaibigan.
Nagsususpetya ang ina ni Lee na seksuwal itong inabuso ni Chang, pero dineny ito ni Chang, na sinabing siya ay nagpa-sexual reassignment surgery para maging isang babae. Ininspeksiyunan siya ng pulis, at nakumpirma na si Chang ay walang kalalakihan.
Pero nais pa ring kasuhan ng ina ni Lee, si Chang.
Nalaman ng pulis na si Chang ay may kutsilyo, na ayon ay Chang ay isnag Cosplay prop lamang. Siya ngayon ay humaharap sa kasong child abduction.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH