Reyna ng pag-smuggle ng mga illegal Chinese immigrants sa NYC, namatay sa bilangguan!

2015-04-14 1

Reyna ng pag-smuggle ng mga illegal Chinese immigrants sa NYC, namatay sa bilangguan!


"Mother of all snakeheads," Cheng Chui-Ping (鄭翠萍), namatay sa bilangguan.

Dalawampu't isang taon nang nakalipas, nan gang 'snakehead' na si Cheng Chui-Ping (鄭翠萍) ay nag-smuggle ng mahigit tatlong daang gutom at naghihirap na Chinese immigrants, mula China hanggang New York, sa kinakalawang na cargo ship na "Golden Venture." Bumangga ang barko sa Rockaway Beach sa Queens, at sampung psahero ang nalunod habang nagtatangkang tumakas.

Ang term na 'snakehead,' na nanggaling sa Chinese term na "蛇頭," ay naging popular noong 1980s, at ginamit para maitukoy ang underground status ni Cheng. Ng legendary smuggling ring leader, na tinatawag ring Sister Ping, ay nakatakas matapos ang shipwreck, pero siya ay naaresto noong 2000, at nasentensiya ng tatlumpu't limang taong pagkabilanggo, ng US federal court, para sa pag-smuggle sa mga tao, at iba pang krimen.

Nangangalahati pa lang siya sa kanyang sentensiya, nang lumabas ang balita na namatay si Sister Ping sa cancer noong Huwebes, sa edad na 65.

Nalungkot ang buong Chinese community sa New York sa pagkamatay ni Sister Ping. Para sa mga taong natulungan niyang makapunta sa US, siya ay isang savior at hero. Siya raw ay isang modern-day Robin Hood, na tumulong sa mga inaapi at nangangailangan na Chinese, na makamit ang kanilang 'American Dream.'

Ayon sa isang Chinese immigrant, si Sister Ping ay mabait at mapagbigay. Tinulungan niyang maghanap ng trabaho sa US ang mga illegal immigrants, at pinahiram pa sila ng pera. Binayaran din niya ang gastos ng paglibing ng mga namatay sa smuggling boats.

Pero ayon sa mga awtoridad, si Sister Ping ay nagpatakbo ng isang malaking smuggling ring, kung saan siya ay kumita ng maraming pera. Siya raw ay nakakolekta ng mahigit 40 million dollars mula sa mga immigrants, at nag-charge siya ng 35,000 dollars per person para sumakay sa kanyang mga lumang barko.

Kapag may mga taong hindi siya binayaran, at nagpapadala siya diumano ng mga gangsters, para bugbugin, i-torture, kidnappin o i-rape ang mga ito, hanggang sa mabayaran ang kanilang mga utang.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH