Lalaki, naputol ang kamay matapos mag-crash sa kanya ang isang eroplano!

2015-04-14 3

Lalaki, naputol ang kamay matapos mag-crash sa kanya ang isang eroplano!


Lalaking naggugupit ng damo, nawalan ng kamay matapos mag-crash sa kanya ang isang eroplano!

Si John Ruffy ay apatnapung taon nang ginugupit ang damo sa Taylorsville Airport sa North Carolina, pero noong Sabado, naputol ang kanyang kaliwang kamay habang siya ay nasa trabaho.

Ang 74-year-old na si Ruffy ay ginugupit ang damo sa single grass landing strip sa airport...nang pinapa-landing ng 84-year-old na si Edward Sisson ang kanyang single engine plane.

Ayon sa mga awtoridad, nakita lang ni Sisson si Ruffy, nang malapit na silang magbanggaan.

At dahil walang air traffic controller sa airport, si Ruffy at hindi na-warningan tungkol sa palapit na eroplano.

Naputol ng propeller ang kaliwang kamay ni Ruffy.

Ang kaisa-isang silver lining sa insidente ay hindi nakamamatay ang pinsalang natanggap ni Ruffy. Ang piloto ay hindi nasaktan.

Ayon sa North Carolina State Highway Patrol, kahit na matanda na ang piloto, ay hindi naapektuhan ang kanyang gilas sa pagpapalipad ng eroplano -- at wala pang nakakasuhan sa ngayon.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH