Taiwan riot police, ginamitan ng water cannons ang mga anti-nuclear protesters!

2015-04-14 12

Taiwan riot police, ginamitan ng water cannons ang mga anti-nuclear protesters!


Anti-nuclear protesters sa Taiwan, nakalaban ng mga riot police!

Nag-fire ng mga water cannons ang pulis sa Taiwan, noong Lunes, para mapaalis ang libo-libong ant-nuclear protesters, na blinock ang main traffic route sa Taipei -- ang capital ng Taiwan.

Karamihan sa mga demonstrators, na nakahiga sa klasada, ay blinock ang isa sa pinaka-busy na kalsada sa Taipei, noong Sabado't Linggo.

Itinawag ng anti-nuclear activist groups ang libo-libong mga tao, para magsagawa ng sit-in demonstration sa Taipei, bilang pagkilala sa 28th anniversary ng Chernobyl nuclear disaster.

Matapos iutos ng Taipei City Mayor na si Hao Long Bin (郝龍斌) na gawin ng pulis ang lahat para mapaalis ang mga demonstrators, ay mahigit tatlong libong police officers at dalawang water cannons ang nagpakita sa eksena ng protesta.

Nang hindi pa rin nila mapaalis ang mga demonstrators, alas tres ng madaling araw noong Lunes, at ginamit na ng pulis ang mga water cannons.

May iilang mga protesters ang napapunta ng pulis sa labas ng protest site.

Ang minsang naging bayolenteng pag-aaway sa pagitan ng mga protesters at pulis, ay lumala, alas quatro ng madaling araw, nang napasok ng ulis ang defense line ng mga nagpro-protesta. Kumuha ng mga malalaking halaman at basurahan ang mga protesters, at gumawa ng bagong defense line.

Ang water cannon assault ay nagpatuloy hanggang alas singko ng madaling araw, at sa puntong ito ay karamihan ng mga protesters ay napaalis na。

Nagtungo ang riot police sa nalalapit na underground passageway, kung saan gumawa ng panandaliang bakod ang mga protesters, gamit ang mga safety cones, at nagbuhos sila ng mantika sa sahig para hindi umabante ang mga pulis. Nag-spray ng dry checmical extinguishers ang mga pulis, at patuloy na ginamit ang water cannon.

Alas siete ng umaga nang napaalis ang lahat ng mga protesters, at bumalik sa normal ang traffic. Limampu't apat na protesters at tatlumpung police officers ang nasaktan sa insidente. Anim na tao ang naaresto.

Sa isang press conference, sinabi ni Taipei Mayor Hau na kumilos lamang ang mga pulis ayon sa sinusundan nilang utos na panatilihin ang order para sa siudad.

Dahil sa protesta, napilitang itigil ng goberyno ng Taiwan ang construction sa malapit nang matapos na ikaapat na nuclear power plant. Inannounce ni President Ma Ying-Jeou (馬英九) na magsasagawa sila ng isang referendum bago magiging operational ang power plant.



For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH