Governor Rick Perry, napalipat ang Toyota headquarters, mula California papuntang Texas!
Rick Perry, sittng pretty, matapos i-announce ng Toyota na lilipat ito sa Texas!
Noong Lunes, inannounce ng Toyota na balak nitong palipatin ang libo-libo nilang employado mula sa California, papunta sa kailang bagong North American headquarters, sa Texas. Si Governor Rick Perry, na matagal nang sinasabing ang Texas ay isang 'job mecca' ay tuwang-tuwa.
Matagumpay niyang naakit ang Japanese automaker palayo sa California, gamit ang 40 million na incentives - na kinainis sigurado ni Governor Jerry Brown.
Sa bilang ni Perry, ang Toyota ay isa sa mahigit limampung kompanya, na iniwan ang Golden State para sa Lone Star state!
Natural, si Perry ay naglalakad sa cloud nine, dahil ang paglipat ng Toyota ay patunay na ang Texas ay mas mainam para sa malalaking negosyo.
Noong isang linggo, chinallenge niya ang New York governor na si Andrew Cuomo, na mag-debate sa harap ng publiko, para malaman kung aling estado ang may mas magandang business climate.
Kung iniisip ni Perry na siya ay master debater, kami dito sa Tomo news ang napapaisip na mukhang lumalaki na ang kanyang ulo.
Para sa amin, wala pa rin siyang sinabi kay Abe Lincoln!
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH