Teenager, binaril ang dalawang state troppers, para protektahan ang kanyang ama.
Nagdagsaan ang mga Alaska state troopers sa maliit na village ng Tanana noong Huwebes.
Bumuo sila ng SWAT team para maaresto ang 19-year-old na si Nathaniel "Sach" Kangas, na binaril at pinatay ang state troppers na sina Gabriel "Gabe" Rich, at Sergeant Patrick "Scott" Johnson.
Nagsimula ang lahat noong Miyerkules, nang kinausap ng Village Patrol Safety Officer na si Mark Haglin ang ama ni Nathaniel, na si Arvin Kangas, tungkol sa isang sopa. Umalis si Haglin nang hinamon siya ni Kangas.
Tinawagan ni Haglin sina Rich at Johnson, na nagpunta sa eksena para bigyan si Haglin ng backup.
Pagbalik nila sa bahay ni Kangas, nagtangkang tumakbo si Arvin, pero nahuli siya ng mga troopers.
Nakita ito ni Nathaniel, at tinulungan niyang makatakas mula sa mga troopers ang kanyang ama. Pitong beses siyang nagpaputok ng baril, at dahil dito ay maari siyang makulong nang dalawang daang taon.
Pagkatapos niyang barilin ang mga officers, tinutukan niya si Haglin, pero hindi niya ito binaril.
Namatay ang dalawnag troopers, at si Nathaniel ay naaresto kinabukasan.
Ayon kay Arvin, may mental issues ang kanyang anak. Ayon sa isang kaibigan ng pamilya, si Nathaniel ay na-brainwash ng Alaska Native rights radicalism.
Ayon naman sa Tanana resident na si Florence Folger, nangyari ang lahat dahil lang sa isang sopa.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH