Japanese na lalaking obsessed sa plastic cover, naaresto!
Japanese na lalaki, naaresto para sa kanyang pagiging obsessed sa plastic na pantakip!
Si Sakamoto Kazuisa, ay may kakaibang pagmamahal at pagkahilig para sa mga plastic cover. Inaresto siya ng pulis, dahil sa property damage, noong April 29, sa Tenri City, Nara province.
Ang 39-year-old na suspect ay gumamit ng gunting para gupitin ang plastic na takip ng mga halaman, sa mga greenhouse, gabi ng April 21 and 22.
Nalaman ng pulis na may tatlong kasong katulad nito, sa kanilang area, mula pa noong Marso.
Nagpunta sa eksena ang suspect, April 28 ng gabi, na nakasuot ng raincoat. Napansin ng pulis ang kakaiba niyang pagkilos, at inamin niya ang kanyang krimen nang kinausap siya ng mga pulis, at sinabi niyang siya ay isang "plastic maniac" na gustong-gustong nakabalot ang sarili sa plastic.
Maari naman siyang bumili ng mga plastic bag sa mga tindahan sa Japan...pero mukhang gusto niya ang mga gamit na plastic sheets. May kakilala ba kayong may ganitong klaseng obsession?
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH