China, kumuha ng 4,000 na 'Porn Cops' para mag-crackdown sa Internet porn!
Apat na libong tao, nag-apply para maging Chinese Net police!
Ang China ay kilala para sa pag-censor ng kahit na anong klaseng media, mula sa mga Chinese citizens.
Kasama na rito ang Internet, na mabigat na pinagbabantay ng isang espesyal na branch ng National Police Force sa China.
At ngayon, ay kailangan nila ng mas maraming Sexual Content Appraisers.
Ang kanilang trabaho ay hanapin ang internet porn, na ilegal sa China.
Pero maaring magulat kayo sa kung ano ang tinuturing na 'porn' sa China.
Ang pagsuot ng mga tank tops, bikini at maiikling shorts ay banned...kahit na ang imahe ay gawa sa computer graphics, at hindi tutoong tao.
Nalilito ngayon ang mga internet companies sa China, dahil mapapabayad sila ng malalaking multa kapag hindi nila ma-kontrol ang kanilang mga networks.
At kahit nasa gitna na sila ng isang taong crackdown sa mga malalaswang content sa Internet, marami pa rin ang nagsasabing ang pagsagawa nito ay nakakaloka...hindi mo kasi pwedeng ipagbawal ang mga salitang 'sex' o 'prostitution,' nang hindi nalalaman ang context. Mission impossible iyan!
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH