'One-star' online reviewers, namba-blackmail para makakuha ng freebies mula sa service industry!

2015-04-14 8

'One-star' online reviewers, namba-blackmail para makakuha ng freebies mula sa service industry!


Mga one-star reviews, kinatatakot ng buong service industry!

Kayo ba ay naghahanap ng magagandang deals sa mga sosyal na hotel, at five-star restaurants?

Kaya niyo bang isantabi ang inyong mga paniniwala sa tama, o mali?

Naiisip niyo ban a kayo ay espesyal, kaya dapat kayong makakuha ang libreng serbisyo mula sa mga malalaking negosyo?

Kung ang sagot niyo ay 'oo,' welcome to the dark side of one-star reviews!

Ang mga one-star stick-up artists ay mga nambla-blackmail sa mga nasa service industry. Nananakot sila na maglalagay sila ng pangit na review sa mga websites gaya ng Tripadvisor at Yelp.

Kung nagtataka kayo na naunang ma-serve ang isang table na mas late sa inyo dumating, siya ay maaring isang one-star stick-up artist!

Marami silang makukuha sa mga negosyo! Libreng pag-stay sa mga hotels, kasama ang lahat ng mga amenities at perks na maiisip mo.

Ayon sa isang restaurant owner, may 0.3 percent ng kanilang services ang napupunta sa mga one-star reviewers, at pataas ng pataas ang trend na ito.

Lahat ng mga restaurant, club, maliliit na tindahan, bar, café, spa, doktor at electrician ay maaring mabiktima ng mga one-star reviewers.

Sinusubukang pigilan ng mga online review sites ang problemang ito, habang may mga websites na nagsasagawa ng mga business model para maiwasan ito.

Kapag naririnig ng mga negosyo ang mga salitang, "Ako ay senior Tripadvisor reviewer," ang sagot nila dapat ay, "Sorry, we're closed."


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Free Traffic Exchange