Teenager na babae, nabaril matapos makipag-away sa Facebook, dahil sa isang lalaki.
Isnag 14-year-old na babae sa Chicago ang pinatay ng isa pang 14-year-old na babae, na nakaaway ng biktima dahil sa isang lalaki.
Ayon sa pulis, ang away ng dalawang high school freshmen ay nagsimula sa Facebook, dahil sa lalaki, at mas lalong lumala nang dumami ang mga comments.
Pauwi ang biktima na si Endia Martin mula sa school, Lunes ng hapon, nang na-engkwentro niya ang isang grupong babae, kung saan kabilang ang suspect.
Nagkaroon ng away, at nagkagulo na...nang humugot ng baril ang suspect mula sa kanyang waistband, at sa tulong ng isa pang babae, at pinaputok ito.
Nabaril si Martin sa likod, at iniwang patay sa gilid ng kalsada. Tumakbo ang kaibigan ni Martin, matapos siyang mabaril sa braso.
Naniniwala ang pulis na ang baril ay nanakaw mula sa isang kotse, at dinala sa eksena ng away ng isang taong kilala ang suspect.
Inaresto din ng pulis ang isang 17-year-old na lalaki, na tumulong diumano sa pagtago ng baril. Ang 24-year-old na tito ng suspect, na pinaniniwalaang konektado sa pagpatay, ay naaresto na rin ng pulis.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH