Huwag kamutin ang makati niyong singit sa harap ng maraming tao, at baka kayo ay maaresto!

2015-04-14 28

Huwag kamutin ang makati niyong singit sa harap ng maraming tao, at baka kayo ay maaresto!


Ito ang dahilan kung bakit hindi natin dapat na kamutin ang ating singit, sa harap ng maraming tao.

Isang ina sa Taiwan ang nagdala sa kanyang mga anak na babae sa Eslite Bookstore sa Taipei, para bumili ng cookbook noong Setyembre. Iniwan niya ang kanyang 9-year-old na anak sa children's book section, pero pagbalik niya ay nakita niya ang isang lalaking nakaupo sa tabi ng bata, habang nasa loob ng pantalon ang kanyang kamay!

Pinagalitan ng babae ang lalake, na tumakbo paalis. Hiningi ng babae ang surveillance video ng bookstore, at nagtawag siya ng pulis. Hindi siya nakuntento, at ipinost niya ang bung kuwento sa Facebook, at binalaan ang mga tao tungkol sa lalaking ito, na medyo mataba, nasa 5'5" ang tangkad, at nakalagay sa pantalon ang kanyang kamay.

Natagpuan ng isang public prosecutor ang lalake, at sinita ito. Ayon sa lalake, nangati lang ang kanyang singit, dahil may diprensiya ang kutis niya doon, kaya kinailangan niyang kamutin ito. Naglabas pa siya ng medical record at litrato bilang patunay ng kanyang kondisyon.

Dahil dito, at sa surveillance footage, napatunayan ng prosecutor na hindi naman naglabas ng maselang parte ng kanyang katawan ang lalake, at siya nga ay may chronic crotch-rot na kondisyon. Na-dismiss ang kaso.



For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH