Tulay sa ibabaw ng Interstate 15 sa Southern California, nasunog!
Isang tulay na tinatayo sa ibabaw ng Interstate 15, sa Mojave Desert, sa Southern California, ang nasunog noong Martes ng hapon, dahil sa isang tilamsik ng apoy na nagmula sa isang metal cutting machine.
Nasunog ang tulay. Nasunog ang structure. Ang kahoy na frame, na tinatawag na false work, ay ang frame na bubuhusan ng semento, para mabuo ang tulay.
Kung wala ang kahoy na false work, ay hindi mahuhugis ang semento, na bubuo sa tulay.
Kinailangang tanggalin ang false work, para lang mapatay ang apoy.
Halos dalawang araw na naisara ang I-15 dahil sa sunog; ang daanang ito ang ginagamit sa pagpunta sa Nevada, Arizona, at Southern California.
Ang tulay ay tinatayo para maikabit ang dalawang komunidad sa siudad ng Hesperia, na nahati sa dalawa, dahil sa I-15.
Maaga pa naman sanang magtatapos ang pagtayo sa tulay. Pero dahil sa sunog, ay at least anim ba buwang made-delay ang 51 million dollar project na ito.
Ang pinaka-importantent trabaho ngayon ay ang pagbukas muli sa 15 freeway.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH