Trade school students sa Ohio, nasuspinde matapos ang nakakalokang see-saw stunt!
Estudyante sa isang trade school sa Ohio, naturuan ng mabigat na leksiyon, tungkol sa pisika!
Ang mga trade schools ay nagbibigay dapat ng hands-on training sa kabataan, para sa kinabukasan ng kanilang mga komunidad.
Mga skills na gaya ng carpentry,
electronics,
at acrobatics...
Teka -- ano daw???
Iyan ang nakita naming, sa isang camphone video na kinunan ng mga estudyante sa Zanesville Ohio Mid-East Career Training Center.
Nagta-trabaho ang mga estudyante, kasama ang mga licensed contractors, sa isang apprenticeship program kung saan pag-aaralan nila ang mga trade skills sa isang home building construction site.
Iisang teacher lang ang nagsu-supervise ng dalawampung estudyante, kaya nakakagulat rin na ngayon lang nagkaroon ng insidente.
At ang mga batang ito pa naman ay natuto tungkol sa physics, mula kay Wile E. Coyote.
What goes up, must come down --- at bumagsak ito sa ulo at leeg ng isang teenager.
Kahit na mukhang malubha ang pinsala ng nangyari sa kanya, at hindi daw nasaktan ang teenager.
Pinost ng mga estudyante ang video na ito, pero imbes na matuwa sa kanila, ay nahanap sila ng administrasyon ng eskuwelahan, at sila ngayon ay nasuspinde.
Babawasan din daw ng eskuwelahan ang bilang ng mga estudyante sa mga job sites, para ma-supervise sila nang maayos.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH