Matapang na aso, nilabanan ang isang kobra, pero namatay sa kagat ng ahas!

2015-04-14 21

Matapang na aso, nilabanan ang isang kobra, pero namatay sa kagat ng ahas.

Dalawnag estudyante sa isnag vocational high school sa central Taiwan ang nag-share ng kuwento tungkol sa isang matapang at mabait na aso na si Blackie, sa kanilang eskuwelahan.

Nangyari ang isang trahedya noong isang linggo, nang nilabanan ni Blackie ang isang kobra, pero namatay din siya sa kagat ng ahas.

Malungkot na nilibing ng staff ng eskuwelahan ang aso sa campus, at nagsagawa din sila ng tradisyonal na seremonyas para dito.

Nilabanan ni Blackie, at ng isa pang asong nagngangalang Coffee, ang ahas na may one meter ang haba sa campus, Martes ng hapon. Sa loob ng tatlong minuto, ay natalo ng dalawang aso ang ahas; nakagat nila ang loob-looban ng ahas at tinapon ito sa drain. Pero nakagat ng aha sang isa sa mga paa ni Blackie.

Sumugod ang staff ng eskuwelahan sa mga ospital, pata kumuha ng gamot, pero tinanggihan sila dahil ang gamot daw ay para sa mga tao lamang. Dahil dito, ay wala na silang nagawa kung hindi panooring mag-struggle si Blackie, hanggang sa ito ay mamatay.

Si Lin Jin-tan (林金潭), na isang retired technical specialist sa eskuwelahan, ay nagsalita laban sa regulasyon ng mga ospital na hindi nagbigay ng gamot para kay Blackie -- dahil ang mga gamot na ito ay mag-e-expire din kapag hindi nagamit. Sana ay magbago ang regulasyon at payagang gamitin ang mga gamot na ganito sa mga hayop na nangangailangan, gaya ni Blackie. Nag-apela na sila sa director ng isang ospital, na makiusap sa Disease Control Center.

Inampon ni Lin si Blackie at Coffee, walong taon nang nakalipas, at tinutulungan nila si Lin na mag-patrol sa campus. Pitong araw nang nakalipas mula nang mamatay si Blackie. Ayon sa tradisyon ng mga Taiwanese, naghanda ang staff ng eskuwelahan ng mga paboritong pagkain ni Blackie, gaya ng manok, gatas, at dog food, para sa kanilang nasawing kaibigan.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH