Mother's Day tragedy: Ina, nagpakamatay habang natutulog ang kanyang mga anak!

2015-04-14 11

Mother's Day tragedy: Ina, nagpakamatay habang natutulog ang kanyang mga anak.


Ang Mother's Day ay isang araw ng selebrasyon. Pero para sa isang pamilya sa Taiwan, itong nakaraang Mother's Day ay naging isang napakalungkot na trahedya.

Isang 35-year-old na ina ng dalawang bata, ay ipinagdiriwang ang holiday kasama ang kanyang pamilya.

Mabilis na sumama ang ihip ng hangin, matapos siyang unahing bigyan ng pagkain ng kanyang asawa, na dapat pala ay inuna ang isang nakatatandang miyembro ng kanilang pamilya.

Nag-iinit pa rin ang ulo ng babae sa kanyang asawa, hanggang sa makauwi na sila sa kanilang bahay pagkatapos nilang kumain, at binanggit niya ito sa kanyang asawa matapos silang makainom ng alak.

Ang mababaw na away ay nauwi sa isang malaking away; bago nagpalamig ng ulo ang kanyang asawa, na umalis sa bahay at nagtungo sa nalalapit na park.

Pagbalik ng lalake sa kanyang bahay, alas tres ng umaga, nagulat siya nang nakita niyang nakabigti ang kanyang asawa sa loob ng banyo.

Dinala ang babae sa nalalapit na ospital, pero huli na ang lahat. Ayon sa pulis, ang dalawang anak ng mag-asawa ay natutulog at hindi namalayan na nagpakamatay ang kanilang ina. Walang suicide note na natagpuan sa eksena.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Free Traffic Exchange