Taiwanese supermodel Lin Chi-ling, nagkaroon ng wardrobe malfunction sa Beijing, China!

2015-04-14 32

Taiwanese supermodel Lin Chi-ling, nagkaroon ng wardrobe malfunction sa Beijing, China!


Supermodel Lin Chi-ling, nakuha ang lahat ng atensiyon, salamat sa kanyang mga 'headlights!'

Ano ang pinakamabuting paraan ng pag-agaw ng spotlight mula sa isang grupong magagandang babae?

Matapos ang diskusyon tungkol sa kanyang...basing kili-kili, bumalik ang top supermodel ng Taiwan na si Lin Chi-ling sa spotlight...dala ang kanyang headlights! Hello!

Nagsuot siya ng eleganteng black and white na bestida, para sa isang appearance sa Beijing, noong isang linggo. Mukhang fresh and dry naman ang lahat, pero mukhang hindi niya sinasadyang maipakita ang isang parte ng kanyang katawan.

Sabi ni Lin sa event, mabilis ang pagtakbo ng mga kabayo, at na-enjoy niya ang karera. Gusto rin niyang panoorin ang mga magaganda at fashionable na tao sa labas ng karerahan.

Isang sensitibong topic para kay Lin ang mga kabayo, mula nang siya ay aksidenteng bumagsak sa sahig, habang siya ay nakasakay sa isang kabayo sa isang commercial shoot noong 2005, at nabali ang kanyang mga ribs.

Pero kahit na ninerbiyos siya sa mga kabayo mula noon, ay hindi naman umayaw si Lin sa panonood sa mga karera. Nang tinanong siya ng isang reporter kung papayagan ba niyang sumakay ng kabayo ang kanyang anak, sinagot niya ito ng, hindi pa niya kailangang alalahanin ang issue na ito, dahil hindi pa naman siya ikinakasal.

Habang ikinakasal na ang karamihan ng mga aktres n aka-edad ni Lin, si Lin ay nananatiling single. Naiinggit daw siya sa mga masasayang mag-asawa, at hinihintay niya ang kanyang prince charming.

Base sa kanyang mga 'headlights,' mukhang hindi na matatagalan si prince charming!


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH