Babaeng may balbas, nanalo sa Eurovision -- at nagalit ang lahat ng mga taga-Russia!
Kung hindi niyo pa nababalitaan, o kung wala kayo masyadong paki tungkol sa mga nangyayari sa Europe...
Baka hindi niyo alam na isang babaeng may balbas ang nanalo sa Eurovision song contest.
Ang winner ay ang 25-year-old na si Conchita Wurst, aka Austrian drag artists Thomas Neuwirth. At kanyang pagkapanalo ay dahil sa kanyang Shirley Bassey/James Bond-style na performance ng "Rise Like a Phoenix."
At nanalo siya, kahit na nag-protesta ang mga homophobic na taga-Russia, na nagtawag ng pag-boycott ng contest. Dahil dito ay mas dumami pa ata ang bumoto sa kanya, mula sa mga bansa na pino-protesta naman ang pagka-homophobic ng Russia.
Ano ang ginawa ni Conchita matapos siyang manalo? Umuwi siya sa kanyang hometown, na binigyan siya ng hero -- este, heroine's welcome... na mas lalong ikinagalit ng mga taga-Russia.
Sa sobrang galit nila, ay inaahit nila ang kanilang mga balbas -- kahit na hindi naman ito isang bagay na nagpapakita ng pagka-gay ng isang tao.
Hindi naming maintindihan dito sa Tomo kung saan nanggagaling ang pagiging anti-gay ng mga taga-Russia...dahil wala namang ginagawa ang kanilang presidente na si Vladimir Putin na masasabing may pagka-gay, hindi ba?
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH