Jill Abramson, executive director ng New York Times, papalitan na ni Dean Baquet!

2015-04-14 2

Jill Abramson, executive director sa New York Times, papalitan ni Dean Baquet!

Si Jill Abramson, na kauna-unahang babaeng executive director sa New York Times , ay kauna-unahang babaeng matatanggal mula sa posisyon na iyon, na kanyang nahawakan nang halos tatlong taon.

Nadiskubre kasi ni Abramson na ang kanyang sweldo at pension benefits bilang executive director at managing director ay higit na mas maliit kaysa kay Bill Keller, ang lalaking kanyang pinalitan.

Nang nilapitan niya ang management, sinabi lang nila kay Abramson na mas matagal si Keller sa kompanya, kaya mas malaki ang kanyang bayad.

Nagkaroon din ng problema si Abramson kay CEO Mark Thompson, dahil sa Church and State issues pagdating sa advertising, at ang pakikialam ng business side ng kompanya sa newsroom.

Si Abramson ay papalitan ng kauna-unahang African-American na magiging executive director, na si Dean Baquet. Sa panahon na mas magfo-focus sa online efforts ang New York Times, hindi mahihirapan ang social media-savvy na si Baquet.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH