Mother's Day Hero: Ina, tumalon mula sa nasusunog na building, para maligtas ang kanyang baby!
Isang ina, lumundag mula sa nasusunog na building, para maligtas ang kanyang baby!
Sana ay naging masaya ang Mother's Day para kay Cristina Simoes ng Haverhill, Massachusetts, dahil siya ay isang tunay na hero.
Maaring hindi na siya makalakad muli, nang naputol ang kanyang likod, habang nililigtas niya ang kanyang anak mula sa isang sunog, noong May 7.
Nakahiga sa kama si Simeos, kasama ang kanyang 18-month-old na si Cameron, nang tumunog ang fire alarm.
Nakita niya ang usok sa labas ng bintana, at mabilis siyang kumilos.
Samung talampakan lang, mula sa kanyang puwesto ang apoy.
Wala siyang choice. Isang daanan lang ang pwede niyang gamitin palabas mula sa kanyang second story apartment: ang balcony.
Niyakap at hinalikan niya ang kanyang baby, at tumalon siya mula sa bintana.
Ang kanyang pagkahulog ang nakabali ng buto niya sa likod, na kinailangang operahan. Si Cameron naman ay nagkaroon lang ng maliit na bukol, at hindi seryosong nasaktan.
Isang GoFundMe page ang nai-setup para makatulong sa pagbayad sa medical expenses ng Super Mom na ito.
Labing-walong pamilya ang nawalan ng bahay sa sunog na ito, pero buti na lang at wala nang ibang taong nasaktan.
Little Cameron is one lucky boy! Magpakabait ka, at alagaang mabuti si mommy!
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH