Karl Rove, sinasabing may brain damage si Hillary Clinton?!

2015-04-14 4

Karl Rove, sinasabing may brain damage si Hillary Clinton?!


Hillary Clinton, Health Issues 2012.

Kailan lang ay sinabi ni Karl Rove na ang mga health problems ni Hillary Clinton noong 2012, ay maaring magkaroon ng impluwensiya sa presidential run ng dating first lady ng Estados Unidos. Heto ang recap ng nasasabing issue mula pa noong 2012.

Noong December ng 2012, nagkaroon si Hillary ng stomach flu, at hinimatay dahil sa dehydration.

Nahulog siya, ay nagkaroon ng conscussion.

Nanatili siya sa ospital ng tatlong araw, habang tinanggal ng mga doktor ang isang blood clot mula sa isang ugat sa kanyang utak.

Nagkaroon ng double vision si Hillary, matapos ang kanyang aksidente, at kinailangan niyang magsuot ng corrective lens.

Isang temporaryong plastic adhesive Fresnel prism ang idinikit sa salamin ni Hillary, na siyang nag-correct sa kanyang double vision.

Rumispondi na ang staff ni Hillary sa mga sinasabi ni Rove, at ayon sa kanila, ang kalusugugan ni Clinton ay nasa '100 percent.'


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH