Kerida ng isang lalake, binugbog ang asawa ng lalake sa isang kalsada -- at nanood lang ang walang kuwentang lalake!
Anong nangyayari dito? Tatlong tao ang sangkot sa gulong ito:
Una, ang babaeng naka-dilaw na jacket na may shoulder pads, na ang kerida ng isang lalaking may asawa.
Pangalawa, ang umiiyak na asawa ng lalake.
Pangatlo, ang walanghiya at walang kuwentang lalake.
Lahat sila ay nasangkot sa isang nakakalokang street fighting scene!
Ang napaka-dramatic na away ay nangyari sa isang kalsada sa Yunnan province, China, at nakunan ng video ng mga saksi, na ipinost din ito sa Internet.
Ang napakabatang 18-year-old na mag-asawa ay may isang one-year-old na anak. Pero hindi nakuntento ang lalake, at ginawa niyang kerida ang babaeng naka-shoulder pads, matapos niya itong makilala sa kanyang trabaho. Ang kanyang asawa, na lubos na nasaktan, ay tinangkang pabalikin sa kanya ang lalake, pero hinayaan lang ng lalake na bugbugin siya ng kerida sa kalsada.
Dumating din ang punto na hindi na nakayanan ng mga saksi na panooring mapahiya ang kawawang babae, na inasulto ng kerida ng kanyang asawa. Nagtawag na rin sila ng pulis.
Ngayon, ay naayos na ang away. Pero ang broken heart ng kawawang babae? Matatagalan pa bago maayos iyan.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH