Chicago police, inabuso ang salon owner na inakala nilang prostitute at illegal immigrant!

2015-04-14 1

Chicago police, inabuso ang salon owner na inakala nilang prostitute at illegal immigrant!


Pulis, ni-raid ang isang salon na inakala nilang ginagamit para sa prostitution...pero hindi sila nakakuha ng happy ending.

Naniwala ang Chicago police na ang Copper Tan and Spa ay isang salon na nagbibigay ng extra services bukod sa tanning at massage.

Ngayon, sila ay dinedemanda para sa kanilang pagtrato kay Jessica Klyzek, nang ni-raid nila ang salon noong Hulyo.

Mas nagpakabait sana ang mga officers, kung alam lang nila na may security camera.

Si Officer Messina ay naakusahan ng paglagay ng kanyang kamay sa ilong at bibig ni Klyzek, na nahirapang huminga.

At habang naka-handcuff si Klyzek, at nakaupo sa sahig, tinamaan ng officer ang kanyang ulo. Pansinin ang top left corner ng screen.

Hindi lang physical abuse ang kasalanan diumano ng mga officers.

FYI, ang UPS ay hindi nagpapadala ng mga ilegal na immigrants pabalik sa kanilang home country -- at for the record, si Klyzek ay hindi ilegal na immigrant. Siya ay isang naturalized American citizen, na ipinanganak sa China.

Nagpaalam si Messina sa kanyang mga fellow officers na gamitin ang kanyang taser gun, "ten effing times." Ito ay ayon sa lawsuit na finile ni Klyzek noong Miyerkules.

Believe it or not, si Klyzek ay naakusahan pa ng aggravated battery para sa pagkagat at pagsuntok niya sa mga officers, pero ang kaso ay nai-drop matapos makita ng judge ang video na ito.

Nakita rin ng mga officers ang security camera, pero hindi nila ito nakuha dahil ito ay nagre-record off-site.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH