Babae, inatake ng isang malaking oso -- siya ay naligtas, at nagawang maglakad paalis pagkatapos!
Ang mga mama grizzly bears ay kilala sa pagiging super aggressive, dahil sa kanilang mga anak, at kapag ikaw ay naatake ng isa sa mga osong ganito, nasa kamay na nila ang iyong buhay. Ito ang natutunan ng isang babae sa Alaska, noong Linggo.
Ang babae, at ang kanyang asawang sundalo, ay nagja-jogging sa Joint Base Elemendorf-Richardson, pero nahiwalay sila.
Nakasalubong ng babae ang isang mama bear, kasama ang dalawa niyang cubs.
Ang oso, na may 8 feet ang tangkad, ay inatake ang babae dahil inakala niyang sasaktan ng babae ang kanyang mga cubs.
Kinalmot ng oso ang braso, legs, leeg, at katawan ng babae, bago niya ito hinayaang mamatay.
Hindi kapani-paniwala, pero naligtas ang babae -- naglakad siya ng two miles para maghanap ng tulong.
Sinasabihan ng Air Force ang kanilang personnel na magdala ng "bear spray" kapag sila ay magja-jogging sa base.
Hindi mababaril ang oso. Ini-recommend ng Alaska Department of Fish and Game na huwag magpunta sa lugar na iyon ang mga tao nang isang linggo, para may sapat na oras para umalis ang mga oso.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH