Pulis sa New York, nakunan ng video habang binubugbog nila ang isang lalake, nang walang dahilan.
Ayon kay Kyle Howell, binugbog siya ng pulis sa New York nang walang dahilan.
Malinaw naman ang mga pangyayari sa surveillance video na ito. Ayan ang mga pulis, at binubugbog nila ang isang lalake. Justified kaya ito?
Ayon sa pulis sa Nassau County New York , pinahinto nila ang 20-year-old na si Kyle Howell, para sa pagmamaneho ng kotseng may crack ang windshield.
Ayon sa pulis, may isang bag pa ng marijuana si Howell, na tinangka niyang kainin.
Ayon kay Howell, inabot lang niya ang kanyang paycheck, na lilipad na palabas ng pintuan ng kotse. Anuman ang tutoong nangyari, mahirap paniwalaan na kinailangan ang ganitong klaseng pananakit.
Nagising si Howell sa ospital -- bali ang kanyang ilong, may pinsala sa kanyang mga mata, at nerve damage. Ito ang kanyang sinabi:
Nagsimula nang magdemanda si Howell laban sa mga officers na sangkot sa insidente. Para sa kanya, ito ay racial profiling.
Si Howell ay kinasuhan ng Nassau police ng pag-asulto sa mga officers, pero mahihirapan silang patunayan ang kanilang statement sa korte, dahil sa video na ito.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH