Teenager sa Texas, makukulong nang habambuhay, para sa brownies na may marijuana!
Ang kasong ito ang perfect example ng nakakalokang drug laws sa Texas. Isang 19-year-old na lalake ang haharap sa habambuhay na pagkabilanggo, dahil gumawa siya, at nagbenta, ng brownies na may marijuana.
Si Jacob Lavorno ay nakasuhan ng krimen na kahit sa ilalim ng mahigpit na drug laws ng Texas, ay isa lamang na misdemeanor. Pero dahil sa isang legal technicality, ay maari itong ituring na first-degree felony.
Gumamit kasi si Lavorno ng hash oil, at hinaluan ito ng iba pang sangkap, gaya ng itlog, cocoa, at mantikilya, para lutuin ang brownies. At ang kabigatan ng brownies ang ginagamit sa pag-prosecute sa kanya.
Ang hash oil ay galing sa bulaklak ng halaman ng marijuana, at naglalaman ng mataas na concentration ng THC.
Ang bigat ng brownies ay nasa 660 grams, na nasa one and a half pounds, at sa kasong ito ay nasa first-degree felony na maaring parusahan ng lima hanggang habambuhay sa bilangguan.
Sa Colorado, ay maituturing na negosyante si Lavorno. Sa Texas, siya ay isang kriminal na maaring makulong nang napakatagal na panahon.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH