Lalaking Pakistani, pinatay ang asawa dahil ipinagluto siya ng gulay, imbes na karne, para sa hapunan!
68-year-old na babae, pinagluto ng gulay ang asawang mahilig sa karne -- kaya pinatay siya ng kanyang asawa!
Noong Miyerkules, sa Brooklyn Supreme Court, nagsagawa ang mga prosecutors ng opening statements sa murder trial ng 75-year-old na si Noor Hussein, isang Pakistani immigrant na binugbog at pinatay ang kanyang natutulog na asawa.
Isang gabi, nagluto ang asawa ni Noor na si Nazar ng gulay para sa kanilang hapunan, kahit na nag-request si Noor ng kambing.
Nag-away sila at pinagmumura ang isa't isa. Kumuha ng kahoy na stick si Noor at tinamaan si Nazar sa bibig at kamay.
Hinintay ni Noor na makatulog si Nazar, at kinuha niya ang isang pirasong kahoy na ginagamit ni Nazar sa paglaba.
Habang natutulog si Nazar, binugbog ito ni Noor -- sa sobrang lakas ng mga tama, ay nagkalat ang dugo sa pader.
Nilinis ni Noor ang dugo, at tinawagan ang kanyang anak na lalake para sabihan ito na pinatay niya si Nazar, at agad na puntahan si Noor sa bahay.
Magtatawag pa ng ibang mga Pakistani na babae ang prosecution para magtestigo laban kay Noor, na ilang taon nang inaabuso diumano si Nazar.
Ayon sa defense attorney ni Noor na si Julie Clark, hindi niya maipagkakailang pinatay ni Noor si Nazar, pero hindi daw ito sinasadyang mapatay ni Noor. Ayon daw kasi sa kultura nila, naniniwala si Noor na may karapatan siyang saktan at disiplinahan ang kanyang asawa.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH