Egypt, nagrereklamo dahil kinopya ng China ang Great Sphinx of Giza!

2015-04-14 18

Egypt, nagagalit sa pekeng sphinx ng China!

Kayang kopyahin ng China ang halos lahat ng bagay...pati na ang Great Sphinx of Giza!

Heto ang Pekeng Sphinx ng China!

Dahil magaling nga silang kumopya ng kung anu-ano, may nakaisip sa China na gumawa ng full-size replica ng Great Sphinx of Giza!

Hindi natuwa ang mga taga-Egypt dito, at nagreklamo na sila sa UNESCO organization ng United Nations.

Ayon sa mga Egyptians, ang pekeng sphinx ng China ay hindi lang mali sa pag-reprisinta ng tunay na sphinx, ito a labag sa international regulations, at nakaka-apekto sa tourism industry ng Egypt.

Kahit na agree kami dito, ay hindi naming mapigilang maisip na mas maraming mas importanteng problemang kailangang ayusin ng Egypt.

Mukha namang okay ang tourism sa Egypt -- naalala niyo ba noong isang taon, nang inukit ng isang Chinese student tourist ang kanyang pangalan, sa kilalang Luxor Temple, na isang libong taon nang nasa Egypt?

Baka ang kailangan natin ay mga Chinese replicas ng lahat ng tourist attractions, para ang mga Chinese na turista ay maaring ukitin ang kanilang mga pangalan sa mga ito! Okay ba?

Ayon sa mga Chinese officials, ang pekeng Great Sphinx ay itinayo lang para sa pag-shoot ng pelikula, at tatanggalin pagkatapos.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH