Lalaking napagkamalang racist na customer sa Red Lobster, nagdedemanda!

2015-04-14 6

Lalaking napagkamalang racist na customer, nagdedemanda!

Noong isang taon, ay ni-report namin ang kaso ng isang waitress sa Tennessee, na si Toni Jenkins, na nakatanggap ng resibo kung saan nakasult ang N word sa puwesto ng tip. Ngayon, ay nagdedemanda ang lalaking nagsulat diumano ng N word na ito sa resibo.

Ayon kay Devin Barnes, sinulat lang niya ang salitang, "None" para sa tip, dahil siya ay nag-order lamang ng takeout, at ang ginawa lang naman ng waitress ay dalhin sa kanya ang kanyang order. In other words, maaring siya ay kuripot sa pag-tip, pero hindi siya racist.

Ang alam lang ni Jenkins ay mayroong nagsulat ng bastos na N word sa resibo, at nang nakuha niya ito, ay pinots niya ang litrato sa kanyang Facebook page, na mabilis na naging viral.

Nawalan ng trabaho si Jenkins, dahil labag sa company policy na mag-post ng impormasyon ng mga customer sa Internet. Pero nagkaroon ng Internet campaign para mag-raise ng funds at awareness tungkol sa issue na ito, at ginamit ni Jenkins ang perang ito para bayaran ang kanyang tuition sa nursing school.

Ayon sa isang handwriting expert, ang N word sa resibo ay sinulat ng ibang tao, at hindi ang customer na si Barnes.

Dahil dito, ay nag-backtrack si Jenkins, na sinabing wala naman siyang sama ng loob kay Barnes, at naaawa pa siya dito dahil sa kanyang pinagdadaanan.

Pero patuloy pa rin sa pagdemanda si Barnes.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH