Lalake, nilampasan ang isang red light camera, tumakas nang dala-dala ang ebidensiya!
Kayo ba at minsang nahuli ng red light camera? May solusyon para sa inyo ang lalaking ito!
Ang 19-year-old na si Manuel Montano Herrera ng Yuba City, California, ay hindi magaling magmaneho. Papunta siya sa kanyang trabaho noong Sabado, at nadaanan niya ang mga poste...at isang red light camera. Suwerte niya, at sakto ang pagkakatama niya sa poste, na lumanding sakto sa likod ng kanyang pickup truck.
Nagmaneho siya nang dalawang milya mula sa eksena ng aksidente, bago siya huminto sa isang red light.
Doon siya bumaba ng sasakyan, para i-adjust ang puwesto ng poste. Nakita siya ng isang witness, na kumuha ng litrato na nai-forward sa pulis.
Mabilis na nahanap ng pulis si Herrera, sa bahay ng kanyang kaibigan, kung saan nahuli silang tinatago ang poste na may 12 feet ang haba.
Kung bakit hindi niya ni-report ang aksidente, ang sabi ni Herrera ay late na kasi siya sa trabaho. Siya ay naaresto para sa hit-and-run at grand theft.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH