Starbucks barista, nawalan ng trabaho dahil nagreklamo siya tungkol sa sexual harassment.
Isang barista sa Midtown Starbucks ang nawalan ng trabaho, matapos siyang magreklamo sa kompanya tungkol sa sexual harassment mula sa kanyang mga katrabahong lalake. Ayon kay Holly Wu, nagsulat siya ng complaint via email sa kanyang district manager noong Februaty 17. Makalipas ang tatlong linggo, siya ay na-fire mula sa trabaho.
Ayon kay Wu, ilang beses siyang inalok na mag-sex ng kanyang mga lalaking katrabaho, na hinipuan din siya at pinakita sa kanya ang mga pornographic videos at photos sa trabaho. Hinawakan at minasahe daw siya ng mga lalake, kahit na umayaw siya.
Si Holly raw ay nawalan ng trabaho nang walang warning, matapos siyang magreklamo na tinawag siyang 'Big Booty Holly' ng mga lalake, na nagtanong din kung pwede nilang hawakan ang kanyang puwit. Ayon sa Starbucks, pinaalis nila si Wu matapos niyang pagtrabahuhin nang ekstrang apatnapu't limang minuto ang isang employado.
Dinedemanda ni Wu ang Starbucks, dahil hindi nila inimbestigahan ang kanyang complaint, kahit na company policy nila ito. Kung naghahanap ng bagong barista ang Starbucks, kunin kaya nila si Amanda Bennett ng Big Shots Expresso?
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH