Slovakian na lalake, nagpatanggal ng 6-kilo tumor mula sa kanyang mukha at leeg!

2015-04-14 3

Slovakian na lalake, nagpatanggal ng 6-kilo tumor mula sa kanyang leeg!

Nagtapos na rin ang isang dekadang paghihirap ng isang lalake, nang tinanggal ng mga doktor ang tumor mula sa kanyang mukha, na may bigat na anim na kilo.

Para sa karamihan, ang kasabihang, "a weight was lifted off me," ay isa lamang kasabihan.

Pero itong nakaraang sampung taon, ang 'weight' ay napaka-literal para kay Stefan Zoleik.

Si Zoleik ay may Madelung Disease, isang napakabihirang kondisyon na dahilan kung bakit nawawalan ng kontrol ang paglaki ng kanyang mga fat cells.

Nang lalong na-develop ang tumor, ay iniwasan ng mga tao na tingnan ang mukha ni Zoleik. Nahirapan din siyang lumingon at galawin ang kanyang mukha at leeg.

Sa wakas, ay nakausap niya ang surgeon na si Igor Homola, at pinag-usapan nila ang procedure na makakatanggal sa mass na may anim na kilo ang bigat. Umoo agad si Zoleik.

Matapos ang isang dekadang pagdurusa, at limang oras na operasyon, ay natapos din ang paghihirap ni Zoleik.

Ayon kay Zoleik, tuwang-tuwa siya sa kanyang bagong 'look' at nabibighani siya sa kanyang bagong mukha.

Kung interesado kayo, ang Madelung Disease ay bihirang kondisyon na kadalasang naapektuhan ang mga lalakign may lahing Mediterranean, at mga taong may alcoholism.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH