Babae, naligtas sa Taipei subway attacker, dahil nilabanan niya ito!

2015-04-14 11

Babae, naligtas sa Taipei subway attacker, dahil nilabanan niya ito!


Taipei Subway knife attacker, pinatay lang ang mga nakmakaawa sa kanya.

Ang 37-year-old na si Tsai Yueh-yin(蔡月銀), isang civil servant sa New Taipei City, ag nagkuwento sa amin ng mga pangyayari sa Taipei subway, Miyerkules noong isang linggo. Ayon kay Tsai, ang attacker na si Cheng Jie (鄭捷) ay tatlong beses siyang sinaksak, habang tinatarget ang kanyang abdomen -- na naprotektahan ni Tsai sa pamamagitan ng kanyang bag.

Kumilos siya nang nakita niyang may katabi siyang baby. Hinila niya sa kanyang likod ang ina ng baby, at hinampas ang attacker gamit ang kanyang bag. Hindi niya alam kung natamaan ba ang attacker o hindi.

Ang libro na nasa loob ng bag ni Tsai, ay nagkataong may titulong "Understanding Rebellious Children (看見孩子的叛逆)," at ito ang nagligtas sa kanya nang inatake siya ng killer, na nahiwa lang ang kanyang mga daliri.

Ayon kay Tsai, tinigil ng attacker ang pananakit sa mga taong lumaban sa kanya. May isang babaeng malapit kay Tsai ang nasaksak nang isang beses, at sinaksak pang muli sa abdomen, matapos siyang magmakaawa sa killer.

Maluba ang pinsalang nakuha ng kamay ni Tsai sa attack. Ayon sa kanya ay hindi maibabalik ang buong paggamit ng kanyang mga daliri, kahit na dumaan pa siya ng rehabilitasyon.

Araw-araw siyang nagpupunta sa Jiangzicui Station, isang linggo nang nakalipas, para ipagdasal ang mga nasawi. Hindi raw siya galit sa attacker, at hindi rin siya nalungkot sa mga nangyari sa kanya. Para lang daw siyang nasugat habang nagluluto, at hindi na siya masyadong naaapektuhan ngayon.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH