Teacher, nagsulat ng graphic sex novel at ginawang bida ang dalawa niyang estudyante!

2015-04-14 2

Teacher, nagsulat ng seksing nobela, at ginawang bida ang kanyang mga estudyante!

Ang social studies teacher na ito, mula sa North Dakota, ay humaharap sa criminal charges, matapos siyang magsulat ng erotic novel, kung saan ginawa niyang karakter ang dalawa niyang estudyante.

Si Scott Allan ay 45 years old, at dalawampu't tatlong taon nang nagtuturo sa Mandan High School.

Ayon sa Bismarck Tribune, ibinigay ni Allan ang nobela sa kanyang mga estudyante, at pinirmahan niya ito ng, "Magkasama niyo akong pinahirapan ng isang buong taon...salamat sa pagiging inspirasyon ko."

Ang titulo ng unpublished novel ay, "The Last Ride of the Quam Gang." Noong May 22, binigay ni Allan ang kopya ng libro sa 17-year-old at 18-year-old na estudyante, bilang graduation gift.

Ang libro ay naka-set sa Old West. Ang 17-year-old na babae ay ginawa niyang karakter na nakidnap ng isang outlaw gang, na seksuwal siyang inabuso.

Ang 18-year-old na babae ay karakter naman na nasangkot din sa iilang mga sex scenes sa libro, at ginantihan niya ang Quam Gang para sa ginawa nila sa kanyang pamilya.

Si Scott Allan ay nakasuhan ng promoting obscenity to a minor, sa pagbigay niya ng libro sa 17-year-old, at disorderly conduct para sa pagbigay ng libro sa 18-year-old.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH