Teenager sa Virginia, pinatay ang kanyang mga magulang dahil kinuha nila ang kanyang iPod!
Nag-plead ng guilty ang 16-year-old na si Vincent Parker sa dalawang bilang ng second-degree murder noong Miyerkules.
Hindi siya pumasok sa eskuwelahan isang araw noong Disyembre, at pinatay niya ang kanyang mga magulang sa loob ng kanilang bahay sa Nofolk.
Base sa hatol ng mga korte, si Parker ay nasa tamang pag-iisip, at isang matalinong tao. Idagdag na natin ang sick and twisted sa listahan.
Inatake niya ang kanyang ina ng pepper spray, habang palabas ito ng banyo. Pauit-ulit siyang sinaksak ni Parker sa mata.
Inamin rin ni Parker na binugbog niya ang kanyang ina, gamit ang baseball bat at crowbar, hanggang sa hindi na ito huminga.
Natagpuan ng mga medical examiners ang dalawampu't limang hampas at saksak sa ulo, leeg at mukha ni Carol Parker.
Pag-uwi ng kanyang ama na si Wayne Parker mula sa trabaho, inatake siya ni Vincent, gamit ang crowbar at kutsilyo.
Tumawag sa 911 ang ama ni Vincent, at nadala siya sa ospital, pero hindi na siya naligtas ng mga doktor. Bago siya namatay ay nasabi niya na ang kanyang anak ang umatake sa kanila.
Si Vincent, na pumatay dahil lang sa iPod, at na-try bilang isang adult at masesentensiya itong darating na Setyembre.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH