Teenager, pinatay at pinaghihiwa ang katawan ng dalawang 5-year-old na batang babae sa China!
Teenage dropout, pinatay at pinaghati-hati ang katawan ng dalawang 5-year-old na batang babae, na kanyang sinunog pagkatapos.
Dalawang limang taong gulang na babae, si Lin Lin at Ru Ru, mula sa Henan Province, China, ang brutal na napatay noong Linggo.
Nagpunta sila sa kasal ng isa nilang kapitbahay, kasama ang kanilang mga pamilya noong Biyernes, at hindi na sila nakitang muli, matapos silang magpaalam na bibili ng ice cream. Hinanap sila ng mga pulis, pero hindi sila natagpuan.
Nagkaroon ng suspect ang mga pulis, dahil may isang lalake na pabagao-bago ng istorya, at sinearch nila ang bahay nito, Linggo ng hapon. Natagpuan nila ang human remains sa bakuran, at mga human body parts sa isang malaking garapon. Napatunayan ng mga forensic tests na ang mga body parts ay ang mga nawawalang bata.
Ang suspect ay isang 17-year-old na high school dropout, na inamin na sinakal niya ang mga babae, pinaghati-hati ang mga katawan nito, na kanyang sinunog. Iniimbestigahan ng mga awtoridad ang motibo ng lalake.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH