Brooklyn police, hinahanap ang lalaking sinaksak ang dalawang bata sa isang elevator!

2015-04-14 7

Pulis, nag-aalok ng reward, para sa impormasyon na makakatulong sa paghuli sa isang child murderer sa Brooklyn!

Nag-aalok ng 12,000USD ang NYPD, para sa impormasyon na maaring makatulong sa paghuli sa isang lalake na sinaksak ang dalawang bata, at nakapatay ng isa, sa isang elevator sa Brooklyn noong Linggo.

Naglalaro sa labas ang 6-year-old na si Prince Joshua Avito at 7-year-old Mikayla Capers, nang may kumaway sa kanila mula sa loob, at nag-alok ng ice cream.

Tumakbo papasok ang mga bata, papunta sa elevator, nang biglang nagpakita ang isang lalaking naka-gray na hoodie.

Ayon sa pulis, inutusan ng lalake ang mga bata na manahimik, bago niya sila parehong sinaksak.

Nakita ng isang witness ang lalake na napatid habang tumatakas sa eksena, at nakita niyang kinaladkad ni Mikayla ang kanyang sarili palabas ng elevator.

Naligtas si Mikayla, na seryosong nasaktan -- siya ay mayroon mga defensive wounds dahil nilabanan niya ang killer. Pero ang kanyang best friend na si P.J. ay namatay.

Ayon sa pulis, ang murder ng 18-year-old na si Tanaya Grant-Copeland, na nasaksak nang tatlumpu't dalawang beses, ilang block lang ang layo mula sa attack sa dalawang bata...ay maaring konektado.

Natagpuan ng mga imbestigador ang halos-magkaparehong murder weapons sa dalawang eksena: isang Dure Edge by Imperial Knife brand na kutsilyo.

Walang fingerprints na nahanap sa mga murder weapon, pero chine-check ito ng pulis para sa DNA.

Na-deploy na rin ang mga officers para protektahan ang mga bata sa area na iyon. Ayon sa NYPD Commissioner na si Bill Braton, mas mainam pa rin na maging maingat. Mag-ingat po tayong lahat!


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH