Lalake, nakaladkad nang dalawang block ng isang truck, matapos siyang maatake ng isang cyclist!
Sa bagong security camera footage na ito, makikita natin kung paano namatay ang 27-year-old na si Derek Mael, na natanggal na sa life support matapos siyang masagasaan ng isang truck, at nakaladkad ng dalawang block, pagkatapos niyang makaaway ang dalawang cyclists noong May 30.
Si Mael at ang kanyang kaibigan ay nagmamaneho pauwi nang inaway sila diumano ng dalawang cyclists. Sinundan ng mga cyclists ang sasakyan ni Mael, at nang inilabas ni Mael ang kanyang ulo, sinampal siya ng isa sa mga cyclists, at natanggal ang isang lens mula sa suot niyang salamin.
Makikita sa footage na sinusundan ng mga cyclists ang kotse. Binalikan ni Mael at ng kanyang kaibigan ang lens ng kanyang salamin...at doon siya sinuntok ng isa sa mga cyclists.
Dumating ang isang truck, na hindi nakita si Mael...nasagasaan siya nito, at nakaladkad ang kanyang katawan nang dalawang block!
Si Brandon Phillips ay nagmamaneho papunta sa kanyang trabaho nang nakita niya ang katawan ni Mael sa kalsada, at siya ang unang tumawag sa 911. Hinintay niyang dumating ang paramedics sa eksena.
Hindi nakasuhan ang driver na nakasagasa kay Mael, samantalang ang mga cyclists, na itinukoy na may pagka-'hippie,' ay hindi pa naaaresto.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH