Lalake, nagmaneho mula North Carolina hanggang Arizona, para mag-confess sa isang 1997 murder!

2015-04-14 2

Lalake, nagmaneho nang dalawang libong milya, para mag-confess sa isang unsolved murder na nangyari noong 1997!

Sabi nga nila, 'confession is good for the soul...' at mukhang ito ay pinaniniwalaan ni Matthew Gibson.

Matapos niyang itago ang isang malaking sikreto nang dalawang dekada, noong Lunes ay nagdesisyon siyang aminin ang pagpatay niya sa isang babae sa Arizona noong 1997. Nagmaneho siya mula North Carolina hanggang Arizona, mahigit dalawang libong milya ang layo, na kinailangan ang at least talumpung oras.

Balak niya dapat na magmaneho papuntang Bullhead City, pero nang tinawid niya ang Arizona mula New Mexico, naisip niyang ito ay 'now or never.'

Nagpunta siya sa isang police station sa Winslow, Arizona, at sinabi sa mga officers na siya ay isang mamamatay-tao.

Sinabi niya sa pulis na pinatay niya si Barbara Brown matapos ang isang away, at nagbigay siya ng sapat na detalye, at naniniwala ang pulis na nagsasabi siya ng tutoo.

Noong 1997 ay natagpuan ang katawan ni Brown sa isang park malapit sa Colorado River. Ayon sa autopsy, siya ay namatay sa blunt force trauma sa ulo.

Ang confession ni Gibson ang nagsara sa isa sa pinakamatagal na unsolved cases ng Bullhead City, na labimpitong taon nang napahirapan ang mga pulis.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH