Stupid biker, nakulong dahil ipinost niya ang video ng kanyang pag-speeding sa YouTube!
Biker, nag-post ng speeding footage sa YouTube, naaresto at nahatulan ng apat na taong pagkabilanggo!
Isang lalake na nag-post ng video ng kanyang sarili, na inaakit ang mga police officers sa Plainfield, Illinois, na habulin sya sa isang high speed chase, noong 2012, ay nasentensiya ng apat na taong pagkabilanggo.
Si Hamza Ali ben Ali, isang Algerian national na humaharap din sa US immigration issues, ay nagdesisyong sumakay sa kanyang Honda CBR 1000, at magmaneho nang 115 miles per hour, na kanyang kinunan ng video.
Pagkatapos, ay pinost niya ang video, kung saan malinaw niyang iniiwasan ang mga police officers, at nagmamaneho nang napakabilis, sa YouTube, makalipas ang dalawang linggo, sa account na "DaOutlaw 6."
Ayon sa abugado ni Ali, hindi daw si Ali ang nasa bike, pero dahil lumabag na ito sa batas at sita ay may GPS na ankle bracelet, nalaman ng pulis kung nasaan siya, at kung gaano kabilis ang kanyang pagkilos.
Matapos makulong nang apat na taon, ay maari din siyang ma-deport. Bukod sa conviction na ito, ay may iba pa siyang kailangan harapin na kaso, na nasa Plainfield din, noong 2012, kung saan inait din niya ang isang police officer sa isang high-speed chase.
Sa korte, sinabihan si Ali ng DuPage County Judge na si George Bakalis, na mukhang plano talaga niyang ipagyabang ang kanyang mga gawain. Mukhang kailangang palitan ng "Da Outlaw 6" ang kanyang screen name, sa "Da Inmate."
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH